HINDI man nakamit ang inaasam na kampeonato sa men’s basketball ng NCAA, naging malugod sa pamunuan ng University of Perpetual Help Altas ang taong 2018.

Nangunguna sa accomplishment ng eskwelahan ang pagkakapili kay Bright Akhuetie bilang Most Valuablke Player sa Season 81 ng UAAP. Ang 6-foot-8 forward ay produkto at dating naglaro sa Perpetual sa NCAA.

“We congratulate our former Perpetual student and athlete Bright Ahkuetie for his accomplishments,” pahayag ni NCAA policy board chairman at UPHSD President Anthony Moran-Tamayo.

Tinanghal namang MVP sa ika-94 season ng NCAA ang 6-fot-11 center ng Altas na si Prince Eze.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Naugusan ng Nigerian ang mga karibal na sina Bong Quinto ng Letran at San Beda teammates Robert Bolick, Javee Mocon at Cameroonian Donald Tankoua.

Sina Quinto, Mocon at Bolick ay umakyat na sa professional league pagkatapos ng kanilang career sa NCAA.

Si Scottie Thompson naman na tubong Padada, Davao del Sur ay naging Finals MVP sa nakaraang 2018 PBA Commissioner’s Cup matapos igupo ng Barangay Ginebra Kings ang San Miguel Beermen sa best-of-seven Finals.

Naging MVP din ang 6’1 guard na si Thompson sa NCAA noong Season 90 bilang pambatong player ng Perpetual.

Sa pangangasiwa ni coach Frankie Lim, nagawang makapasok ng Altas sa Final Four ng NCAA Season 94.

-Annie Abad