Hinikayat ng isang opisyal ng Quiapo Church ang mga deboto na huwag nang ipagpilitang hipuin ang imahe ng Poong Nazareno sa kasagsagan ng Traslacion 2019 sa Miyerkules, Enero 9.

‘PAHALIK’ SA NAZARENO  Hinalikan ng deboto ang paa ng replica ng Mahal na Poong Nazareno sa Maynila, kahapon. Magsisimula sa Martes, Enero 8, ang “pahalik” sa Quirino Grandstand.  (ALI VICOY)

‘PAHALIK’ SA NAZARENO
Hinalikan ng deboto ang paa ng replica ng Mahal na Poong Nazareno sa Maynila, kahapon. Magsisimula sa Martes, Enero 8, ang “pahalik” sa Quirino Grandstand.
(ALI VICOY)

Nilinaw ni Father Douglas Badong na hindi nila pinagbabawalan ang mga deboto na hagkan, punasan, hipuin at sumakay sa karo ng Poon, ngunit hindi umano sila hinihikayat ng Simbahan na gawin ito para na rin sa kanilang kaligtasan.

Paliwanag ni Badong, ang simpleng paglahok lang sa Traslacion ay sapat na.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Hindi naman, aniya, kinakailangang sa araw mismo ng prusisyon gawin ang paghipo sa imahen.

Paalala pa ni Badong, anumang oras sa buong taon ay maaari namang bumisita ang mga deboto sa Poong Nazareno sa Quiapo Church.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) at ng Manila Police District (MPD) na isinasapinal na nila ang ilalatag na seguridad para sa pista ng Quiapo, na inaasahang dadagsain ng milyun-milyong deboto.

Nabatid na may 7,200 pulis ang ipakakalat sa mga lugar na daraanan ng prusisyon.

-Mary Ann Santiago