Nakatakda nang simulan ngayong Enero ang rehabilitasyon sa Metro Rail Transit (MRT)-Line 3.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), inaasahang sa huling linggo ng Enero sisimulan ang tatlong taon, o 43-buwang rehabilitasyon, ng MRT.

Sinabi ng DOTr na gagastusan ng P18 bilyon ang naturang proyekto, na pangangasiwaan ng Japanese consortium na Sumitomo-Mitsubishi Corp.

Sa kabila naman ng rehabilitasyon, tiniyak ng DOTr na walang dapat na ipangamba ang mga pasahero dahil tuluy-tuloy pa rin ang pagbibigay ng serbisyo ng MRT, bagamat lilimitahan na sa 15 tren ang bibiyahe araw-araw.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ayon naman kay Transportation Undersecretary for Rails Timothy John Batan, kapag natapos na ang proyekto ay mapapabiyahe na nila ang mahigit 20 tren araw-araw, sa bilis na 60 kilometro kada oras.

Nabatid na kabilang sa tututukan sa rehabilitasyon ang pagsasaayos ng 72 light rail vehicles (LRVs) ng MRT, gayundin ang overhaul ng power supply ng linya, overhead catenary system, signaling system, riles, closed-circuit television camera, public address systems, at maging ang elevators at escalators sa mga istasyon.

-Mary Ann Santiago