ADDENDUM ito sa sinulat naming suggestions/proposals ni Ogie Diaz para mapanatiling mataas ang box office income ng Metro Manila Film Festival (MMFF) taun-taon.

Vice (MMFF story)

Malaking bagay sa Philippine movie industry ang MMFF dahil ang malaking bahagi ng kinikita nito ay napupunta sa foundation na tumutulong sa matatanda na o nagkakasakit na mga manggagawa sa pelikula at ganoon din sa scholarship ng future filmmakers na ang iba ay nakakapag-aral sa ibang bansa.

Ang nasa likod ng worldwide ngayon ng “Hallyu” o Korean Wave/Fever ay ang entertainment bigwigs sa Korea na pinag-aral ng kanilang industriya sa prestigious film schools sa Amerika.

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

Laging young bloods ang pag-asa ng anumang industriya o ng bansa sa kabuuan.Malaking bagay ang MMFF sa producers dahil dito sila nakakakuha ng malaki-laking kita na mairorolyo nila sa kani-kanilang projects para sa buong taon.

Kaya kapag matumal ang pasok ng moviegoers tuwing isinasagawa ang MMFF, ramdam ang lungkot ng industriya.

Maging si Vice Ganda, na nag-project ng P900M ngayong taon para sa kanyang Fantastica, ay hindi rin siguro inaasahan ang mas mababang ipinapasok sa takilya ng pelikula. As of press time, nakaka-P300M na ang Fantastica. Mukhang hindi aabot sa inambisyong kikitain.

Ganoon na rin naman siyempre ang kahihinatnan ng iba pang entry na sumusunod sa palakihan ng kita.Ginawa na sa Amerika ang suggestion ni Ogie sa package ticket selling, at naging successful. Makabuluhan din ang panawagan niyang itaas ang kalidad ng mga produkto. Nagkakaintindihan naman ang lahat tungkol dito, hindi porke may artista at pinanonood, pelikula na.

Pero higit sa lahat, may economic factor siyempre sa marketing ng anumang product. Entertainment ang pinakahuling pinagkakagastusan ng mga tao sa mga panahong kinakapos ang budget ng pamilya. Kapag maganda ang takbo ng ekonomiya, may disposable income ang lahat, pati mga bata na napapamaskuhan.

Kabataan ang nasusunod sa panonoorin ng pamilya tuwing Pasko. Kalabisan nang sabihin, hindi tumiba sa napamaskuhan ang mga bata ngayong taon. Walang pera sina Ninong at Ninang.Isa pa, may iba na ring factor ngayon sa film marketing sa bansa natin.

Pati entertainment, hinahagip na ng political turmoil. Namamasdan natin, may mga sektor nang nagpapaboykot ng pelikula ng mga artista na hindi nila nagugustuhan ang political stand.

Napakarami nang dapat isaalang-alang sa dati nang kumplikadong film marketing, pero sana ay mapag-aralan uli ng local film industry lalo na ng mga producer ang mga hakbang na kinakailangang gawin.

-DINDO M. BALARES