Final Standings (Boys Under-14, eight round swiss system, standard competition)
7.0 points -- Sean Christian Goh (Singapore), Jasper Concepcion Faeldonia (Philippines)
6.0 points -- Sher Hern Leong (Singapore)
4.5 points -- CM Cyrus Nisban (Singapore), Sethi Veer (India)
SINGAPORE-- Nakisalo sa unahang puwesto si Filipino chess wizard Jasper Concepcion Faeldonia sa katatapos na 35th Singapore’s National Age Group Chess Championships nitong weekend sa Kallang Theatre (matatagpuan sa Singapore Sports Hub) dito.
Ang 14-anyos na Faeldonia, Grade 8 student ng Arellano University na nasa kandili nina National Master Rudy Ibanez at Odiongan, Romblon Mayor Trina Firmalo Fabic, ay nagwagi kay Fook Weng Pheng ng Malaysia sa eight at final round.
Kinailangan ni Faeldonia ang dalawang oras at kalahating minuto para talunin ang kanyang huling kalaban tangan ang itim na piyesa sa ika-35 sulong ng Chebanenko Slav.
Ang Odiongan, Romblon na si Faeldonia, 2018 Philippine Age Group Under 14-champion, ay pumatas kay top seed Sean Christian Goh ng Singapore matapos kapwa makapagtala ng tig 7 points sa walong laro sa Boys Under-14.
Subalit ng ipinatupad ang tie break points ay nasikwat ni Goh ang titulo sa bisa ng mas mataas na 38 tie break points kontra sa 36 points kay Faeldonia.
Ang kampanya ni Faeldonia dito sa Singapore ay suportado rin ng Arellano University, Manila councilor Anton Capistrano, sportsman Reli de Leon, eight-time Illinois champion International Master Angelo Young, National Master Edgardo Garma, seven-time Philippine executive champion Dr. Jenny Mayor, Chris Fainsan, Melrose Flores Angeles, Ronnie Tamares, Arena Grandmaster at Fide Master elect Robert Suelo Jr.
Panalo naman si PH chess wiz Jayson Jacobo Tiburcio sa kanyang final match kontra kay Guan Yi Randall Yong ng Singapore tungo sa 6 points sa eight outings. Ang 10-years-old Tiburcio na tubong Marikina City at incoming Primary 5 pupil ng Fernvale Primary School dito sa Singapore ay matagumpay na nakapasok sa top-10 circle sa Boys 10 and under.