SAN FABIAN, Pangasinan – Inaresto ng mga awtoridad ang isang retiradong miyembro ng Philippine Army (PA) nang manaksak isa nitong kalugar sa Barangay Tempra-Guilig, San Fabian, Pangasinan, kamakalawa ng umaga.

Nasa kustodiya na ng San Fabian Police ang suspek na si Rufino Caballero, 57, ng nasabing lugar at nahaharap sa kasong kriminal.

Ginagamot pa rin sa Region 1 Medical Center si Loreto Caballero, 53, kapitbahay ng suspek.

Sa report ng pulisya, naglalakad ang biktima sa kanilang lugar nang biglang harangin at saksakin ni Caballero.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Matagal na umanong may alitan ang dalawa na nagresulta sa insidente.

-Liezle Basa Iñigo