Nananatiling kulang at nangangailangan ng mahigit 1,000 prosecutors sa buong bansa ang Department of Justice (DoJ).
“I think there are vacancies amounting to something like over a thousand,” pagsisiwalat ni Justice Secretary Menardo Guevarra.
“But we are slowly filling up these positions,” pagtiyak niya.
Sa kabilang dako, sinabi ng kalihim na hindi nagmamadali ang DoJ na punan ang mga ito.
“But we do not want to rush this also because we want to make sure that the people whom we want to include in the national prosecution service are very qualified and ready to perform their duties faithfully,” paliwanag niya.Samantala, sinabi niya na patuloy na nagsusumite ang DoJ sa Malacañang ang listahan ng mga potential appointees.
“Unti-unti naman lumalabas ‘yung mga appointments,” diin niya.
“We just have to understand na ganito yung proseso sa Malacanang kasi talagang maraming positions not only in the DOJ but in the entire government machinery that have to be filled up by Malacañang,” paliwanag niya.
-Jeffrey G. Damicog