Ikinasiya ni Pambansang Kamao at Senator Manny Pacquiao ang naging panalo ni boxing star Donnie “Ahas” Nietes kontra sa Japanese boxer na si Kazuto Ioka sa pagtatapos ng taong 2018.

nietes

Ayon kay Pacquiao, ikinararangal niya ang isang boksingero na tulad ni Nietes na palaging nagbibigay ng karangalan sa bansa.

“Congratulations, you’re bringing honor to our country, we’re very happy na yung karangalan na ibinigay niya sa bansa natin, the Philippines, we are so proud of him. The Filipinos so proud of the honor that he has brought to our country,” ayon kay Pacquiao sa isang panayam sa kanya.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Pinataob ni Nietes si Ioka upang kunin ang titulo ng WBO Super Flyweight World Championship na nagbigay din sa kanya ng ikaapat na world championship title.

Si Nietes and ikatlong Filipino boxer na nagbigay ng apat na world championship titles sa Pilipinas, bukod pa kina Eight-division world champion na si Pacquiao at four-division world champion na si Nonito Donaire Jr.

Tangan ng tatlong nabanggit na Filipino boxers ang mga titulo sa kani-kanilang kategorya sa World Championship. Si Pacquiao ay tangan ang WBW (Regular) Welterweight World Championship, si Donaire ay ang WBA (Super) Bantamweight World Championship at kay Nietes naman ang WBO Super Flyweight World Championship.

At sa kabila nga ng matinding ensayo ni Pacquiao para sa kanyang nalalapit na sagupaan upang idepensa ang kanyang WBA World Title kontra kay Adrien Broner ay naisingit ng Senador na subaybayan ang laban ni Nietes.

Nakatakdang harapin ni Pacquiao si Broner ngayong darating Enero 19 sa Las Vegas Nevada.

-Annie Abad