GUEST last Tuesday, January 1, sa Tonight with Boy Abunda ang tambalang Edward Barber at Maymay Entrata, na muling pinakilig ang kanilang fans nang aminin nilang nasa estado na ng pagiging “soulmates” ang kanilang pagsasama.

mayward

Lalong kinilig ang kanilang mga fans nang sabihin ni Maymay na boto ang Lola niya kay Edward kung sakaling magiging boyfriend niya ito.

Kuwento ni Maymay, dumating sa punto ng buhay niya noon na nasuway niya ang Lola niya dahil sa love.

Matet De Leon, ibinuking kung anong klaseng ina si Nora Aunor

“High school pa lang sinasabi niya sa akin, ‘kapag may crush ka or may manliligaw sabihin mo ha, ako ang maghuhusga’. Sinusunod ko hanggang sa punto na ‘yung first love ko, nasuway ko’ yung Lola ko,” kuwento ni Maymay.

Dahil daw sa pangyayaring’ yun, na-realize ni Maymay na dapat na sinusunod ang payo ng nakatatanda.

“Kapag hindi mo pala sinunod ‘yung payo ng parents mo, dadating sa punto na ikaw talaga makaka-realize na ‘sana nakinig na lang ako’.” Pero nang makita daw ng Lola ni Maymay ang closeness nina Maymay at Edward ay pabor itong makarelasyon niya ang ka-love team.

“Si Dodong talaga lumapit sa Lola ko,” kuwento ni Maymay. Sinabi raw ni Edward sa Lola ni Maymay: “I care a lot about Maymay, and she started crying, teary-eyed.”

Payo ng Lola ni Maymay sa kanilang dalawa: “’Wag kayong magmadali, kung sakali daw aabot kami sa punto (na magiging kami na) ‘yung blessing daw nila ni Papa Jo ibibigay niya daw ‘yun.”

Si Papa Jo ang Lolo ni Maymay na ka-close niya at pumanaw na.

Isang emotional moment daw ito, hindi lang para sa Lola ni Maymay, kundi para sa MayWard na rin.

“First time po ‘yun (magsabi ng ganun ang lola ko). Iyak kami nang iyak nun,” ani Maymay.

Ilang ulit na itinanong ni Kuya Boy kung sila na nga ba ni Edward? Matindi naman ang pagtanggi ni Maymay na may relasyon na sila ng co-PBB Teen housemate ,at hanggang soulmates pa lang daw sila ni Edward.

-ADOR V. SALUTA