Tiwala si Skateboarding ang Roller Sports Association of the Philippines president Monty Mendigoria na magandang performance ang ipapamalas ng dalawang pambato ng Pilipinas na sina 2018 Asian Games gold medalist Margielyn Didal at US Based skate athlete na si Christiana Means sa nalalapit na pagsabak ng mga ito 2019 Street League Skateboarding PRO elite competitions sa Brazil ngayong Enero 8 hanggang 11.

didal

It’s good to go for Margielyn and Christiana,” pahayag ni Mendigoria sa panayam sa kanya ng Balita. “I know na magandang performance ang ipapakita ng mga skateboard athjletes natin.”

Bunsod ng kanyang pagpasok sa Top 8 sa nakaraang SLS sa London noong Marso ng taong 2018, awtimatikong nakapasok sa semis ang Cebu pride na si Didal.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“She earned it from her SLS competition sa London. Actually nasurprised din kami but they automatically gave her sa semis slot dshil nga sa naging performance niya. And I am very happy for her,” pahayag ni Monty Mendigoria, ang presidente ng Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines, (SRSAP).

Ang nasabing kompetisyon na lalahokan ni Didal sa Brazil ay simula lamang ng mga ilang international stints na kanyang paghahandaan upang makakuha ng magandang rsnking para makakuha ng tiket sa 2020 Olympics sa Japan.

Target ni Didal na makapuwesto sa top 38 sa world ranking upang makasiguro ng slot sa olimpiyada.

Kumpiyansa naman si Mendigoria na makakapasok si Didal sa top 38 upang makakakuha ng puwesto sa Olympics.

“I’m very confident na kaya niya na makapasok kahit sa top 10, with her performance I know shw can make it to the top 10,” ayon kay Mendigoria.

Samantala, kamakailan lamang nang mapasama sa top 25 Most Influential Teens in the World ng Times Magazine si Didal bunsod ng sunus sunod na tagumpay na kanyang iniuwi para sa Pilipinas.

-Annie Abad