Kasalukuyang binubuo sa Senado ang isang panukalang-batas na nagpapatibay ng Magna Carta for Child Development Workers.

Ang Senate Bill No. 2118, na isinulat Sen. Leila de Lima, ay layuning mabigyan ng security of tenure at social protection sa panahon ng karamdaman, o pagreretiro ang mga day care workers.

Tinatayang nasa 50,000 child development workers sa buong bansa ang maaaring makinabang kapag napagtibay ito bilang batas.

Kabilang sa mga senador na nagsusulong ng panukalang-batas sina Sen. Cynthia Villar, JV Ejercito, at Nancy Binay.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Hangad din ng bill na mabigyan ng pagkilala ang mahalagang tungkulin na ginagampanan ng mga child development workers (CDWs) sa bansa sa pag-aalaga ng mga bata.

Sa ngayon, nakabimbin sa ikalawang pagbasa ang bill, na nagmumungkahi ng kahit isang CDW I, na may Salary Grade 6, at isang CDW II, na may Salary Grade 8, sa lahat ng child development centers sa bansa.

Sa ilalim ng panukalang batas, makikinabang ang itinalagang CDW sa security of tenure at protektado ng civil service rules and regulations.Makakakuha rin ang mga CWD ng mga benepisyo tulad ng overtime pay, hazard allowance, subsistence allowance, free legal services, health benefits, at iba pa.

-Hannah L. Torregoza