MARAMING kabataang Pilipino ang nakilahok sa prusisyong pasasalamat sa Minor Basilica of the Black Nazarene, na kilala rin bilang Simbahan ng Quiapo, nitong nagdaang Linggo, halos isang linggo bago ang taunang pagdiriwang sa pista ng Itim na Nazareno sa Enero 9, 2019.

Sa pagbabahagi ni Msgr. Hernando “Ding” Coronel, rector ng Simbahan ng Quiapo, maraming kabataang Pilipino o “millenials” ang dumalo sa nasabing pagtitipon, na isa umanong magandang senyales lalo’t ang taong ito ay Taon ng mga Kabataan.

“We noticed more millennials joining this year. This is a positive sign, since 2019 is the Year of the Youth,” saad niya sa isang panayam, kamakailan.

Nagsimula ang prusisyon nitong 12:00 ng hatinggabi at natapos ng 10:00 ng umaga.

Night Owl

Kailangan mong bumoto

“The procession route covers the parish boundaries,” dagdag pa niya.

Naging payapa umano ang buong prusisyon, sa tulong na rin ng mga barangay at lokal na opisyal.

“We tried to make the thanksgiving procession more solemn. The beginning and the conclusion was more prayerful and orderly,” sambit pa ni Coronel.

Ayon sa opisyal ng Simbahan ng Quiapo, nagsimula ang unang novena mass nitong Lunes para sa pagdiriwang sa Enero.

“This last day of the year we sing the Te Deum and also we begin the first novena mass for the Traslacion feast,” aniya.

“I am most happy at the collaboration of different sectors of society today to give worship to the Lord Jesus, the Nazareno,” ayon pa kay Coronel.

Sa nakalipas na mga taon, milyun-milyong deboto ng Itim na Nazareno ang nakikilahok sa siyam na araw na pagdiriwang na nagtatapos sa Traslacion, ang pinakamalaking prusisyon na isinasagawa mula sa Quirino Grandstand sa Luneta patungo sa Basilica sa kahabaan ng Quezon Boulevard sa Maynila.

PNA