LIPA CITY, Batangas – Natimbog ng mga awtoridad ang tatlong preso matapos umanong maaktuhang nagpa-pot session sa loob ng selda ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Lipa City, kamakalawa ng madaling araw.

Sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), naaktuhan ng mga jailguard ang mga suspek na gumagamit ng iligal na droga, dakong 5:00 ng madaling araw

Kinilala ang mga suspek na sina Warren Joseph Marasigan, 43, Leo Dizon, 33 at Eger Payonga, 32.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang BJMP-Lipa City Jail personnel na may humihithit ng shabu sa dormitoryo ng mga lalaki, kaya agad na nagsagawa ng inspeksyon ang mga ito at naaktuhan ang tatlo.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Dinala sa istasyon ng pulisya ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act).

Narekober umano sa loob ng selda ang drug paraphernalias na ginamit ng mga suspek.

-Lyka Manalo