TORONTO — Muling namayagpag ang Toronto Raptors matapos nitong biguin ang Utah Jazz sa 122-116 panalo sa kanilang sagupaan kahapon ( Martes ng gabi sa Canada).

Umarangkada si Kawhi Leonard matapos nitong itala ang kanyang career-high na 45 puntos at balikatin ang panalo ng Raptors sa ikaapat na sunod sa kanilang homecourt.

Pitong field goals ang siniguro ni Leonard sa ikatlong yugto ng laro at nagdagdag pa ng limang foul shots upang ilagay ang 19 puntos sa loob lamang ng second half ng laro.

Bukod lay Leonard, nagpakitang gilas din si Pascal Siakam na may 28 puntos na naiambag na may kasama pang 10 rebounds habang si Norman Powell naman ay may 14 puntos.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Matapos ang dalawang tress a first half kung saan lamang ng dalawa ang Raptors, 32-30, agad na kumunekta ng magkakasunod na tres ang tropa ni Leonard upang iatala ang 44-32 kalamangan sa pagpasok ng third quarter na kanilang nabitbit hanggang sa fourth quarter sa 95-85 kalamangan.

Hindi na nagpabaya sa puntong ito ang Raptors at tuluyan naman kinuha ang panalo kontra sa nagkukumahog na Jazz.

Hindi naman naging sapat ang mga puntos nina Jae Crowder na 30 , Derrick Favors na may 21 at ni Donovan Mitchell na umiskor ng 19 puntos gayung bumagsak ito sa kanilang 18-20 win-loss slate.