LIVERPOOL, England — Inilagay ni Jamie Vardy ang unang puntos ng Premier League na first goal ng taong 2019 upang bigyan ang Leicester ng 1-0 panalo kontra Everton sa isang hindi masyadong magandang labanan noong Martes.

Jamie

Sa goal na tumapos sa home side na may malamyang pagtatapos, nagkamali ang winger ng Everton na si Theo Walcott na palusutin sa clearance ang bola na hindi nakontrol ng kanyang ka teammate na si Michael Keane dahilan upang makapuslit si Ricardo Pereira para kay Vardy.

Mahinang pagtatapos ang nailagay ng dating England striker ngunit nilampasan ang t goalkeeper na si Jordan Pickford at inilagay ang kanyang goal para sa koponan.

Ito ang ikatlong panalo ng Leicester sa pat na laro matapos ang malapiyestang selebrasyon sanhi ng panalo na naglagay sa koponan sa unang puwesto sa kalahati ng standings.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

Bago mag Pasko ay nalagay sa bingit ng alamanganin ang trabaho ng manager ng Leicester na si Claude Puel. Ngunit nabawi ito ng nasabing panalo.

“I will defend my team, my squad and the club and I am just a person who serves the club, that’s all, and I would like to continue this way,” ani Puel. “Speculation, I cannot have an impact about this.”

Sa kabilang banda, isang panalo pa lamang ang naitatala ng Everton sa loob ng walong laro buhat pa noong Disyembre.

“A disappointing result for us and a poor performance also,”pahayag ng Everton manager na si Marco Silva. “It wasn’t a good game to watch.

“We missed some of the most important things in football, to pass the normal pass and to do the easy things. We missed many, many times.” AP