HOUSTON — Hindi kumbinsido si James harden ang tinaguriang “The Beard” ng NBA sa kanyang ipinapakitang performance pagdating sa hardcourt.

Ayon kay Harden, hindi niya naisagawa nang maayos ang kanyang laro, bagama’t para sa nakararami ay isang magandang performance ang kanyang naipamalas kamakailan.

“I did a poor job of just not controlling the basketball, basically giving them transition points by turnovers. I have to take care of the ball more, but just continue to be aggressive and make plays for my team,” ani Harden.

Tumipa ng 43 puntos si Harden na may kasamang 10 rebounds at 13 assists sa kanyang ikaapat na sunod na 40-point game, na nagbigay ng panalo sa Rockets kontra Memphis Grizzlies 113-101 at nakuha ang kanilang ikjalimang sunod na panalo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hindi ikinasiya ni Harden ang kanyang siyam na turnovers ngunit kumpiyansa at matindi pa rin ang paghanga ng coach nito na si Mike D’Antoni sa kanyang manlalaro na sioyang bumalikat sa buong koponan sa kawalan ng isa pa nilang superstar na si Chris Paul na may inindang injury.

“I don’t know how you get any better than what he’s playing,” ani D’Antoni. “Defensively, too. He comes up with steals, triple-doubles like it’s nothing. So yeah, he’s playing at a different level.”

Naitala ni Harden ang isang NBA record sa kanyang walong sunod na laro kung saan hindi baba ng 35 points at five assists ang kanyang stats na inungusan ang record ni Oscar Robertson,na may dalawang beses na seven-game streaks.

Gayunman ay ipagpapatuloy pa rin ni Harden ang kanyang magandang performance at pipilitin na malampasan pa ang kanyang normal na ipinapakita sa bawat labanan ng kanyang koponan.