Natimbog ng militar ang isang opisyal ng New People’s Army (NPA) na matagal nang pinaghahahanap ng batas sa CARAGA, nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ni 4th Infantry Battalion (IB) commader, Major General Ronald Villanueva, ng Philippine Army (PA) ang rebelde na si Joaquin Madrianon, alyas “Alto” at Jun-Jun”.

Si Madrianon ay natunton ng mga tauhan ng 23rd IB, 402nd IB at Police Regional Office 13 (PRO13) sa kanyang hideout sa Purok Spring, Bgy. Tagcatong, Carmen, Agusan del Norte, dakong 4:30 ng madaling araw.

"The conduct of the manhunt operation is a result of the coordination between the Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 13, Agusan del Norte Provincial Intelligence Branch, Carmen Municipal Police Station, Agusan del Norte Provincial Mobile Force Company (PMFC), the Army's 23rd Infantry Battalion, 42nd Military Intelligence Company-Operational Control (MICO OPCON), 402nd Infantry (Stingers) Brigade, Philippine Army and the cooperation of the community who tipped Madrianon's whereabouts that resulted to his apprehension," sabi pa ni Villanueva.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

-Francis T. Wakefield