HAPPY New Year sa lahat ng readers natin ng BALITA! May we have a more fruitful and peaceful 2019! Salamat din sa ating mga dear readers sa patuloy ninyong pagtangkilik sa ating diyaryo.

Maine at Alden

Live na ang Eat Bulaga ngayong New Year’s Day, dahil nakaugalian na ng management ng TAPE, Inc. at mga Dabarkads na live sila sa pagsisimula ng taon, kahit pa galing sila sa bakasyon ng Pasko at puyat-puyatan sa pagsalubong sa bagong taon ng December 31.

Halos magkasunod na bumalik ng bansa sina Pambansang Bae Alden Richards at phenomenal star Maine Mendoza last December 29. Si Alden mula sa Osaka, Japan kasama ang kanyang family, at si Maine naman mula sa Chatuchak, Bangkok, kasama rin ang kanyang family.

Pelikula

'Beauty Contis' magkasama na sa Hanoi

Si Alden, pagkarating ay nag-attend agad sa Christmas party ng kanyang mga fans, pero hindi siya nagtagal dahil may rehearsal na siya para sa GMA New Year’s Christmas Countdown sa GMA Annex, kasama ng iba pang Kapuso stars, na ginanap kagabi sa Mall of Asia Seaside Boulevard, sa kabila ng pag-ulan. Tulad sa nakalipas na mga taon, para kay Alden ay blessings ang pag-ulan sa unang araw ng taon, kaya wala siyang pakialam mag-perform kahit malakas ang ulan.

Sa bagong APT Studios na nga ginaganap ang Eat Bulaga at hiling ng AlDub fans na totohanin ng creative writer ng longest running noontime show ang press release nito before New Year na gagawa ng bagong memories sina Alden at Maine sa Eat Bulaga, tulad ng ginawa nila noong nagsisimula pa lamang ang kanilang love team in 2016.

Request din ng AlDub na matuloy na ang pangako ni Direk Mike Tuviera at ng APT Entertainment na may gagawing movie sina Alden at Maine ngayong 2019.

At sana raw ay magsimula ang mga memories na ito bukas, January 2, na 27th birthday ni Alden.

-Nora V. Calderon