Umakyat na sa 55 ang mga biktima ng paputok sa bansa ilang oras bago ang pagsalubong sa Bagong Taon kahapon matapos na makapagtala pa ang Department of Health (DoH) ng karagdagang siyam na kaso ng firecracker-related injuries (FWRI).

Batay sa huling tala ng DoH, nabatid na mula 6:00 ng umaga ng Disyembre 30 hanggang 5:59 ng umaga kahapon, Disyembre 31, ay nakapagtala pa ng siyam na bagong kaso sa Regions 6 (apat na kaso), 7 (isa), 1 (isa), 3 (isa), at 8 (isa).

Ikinatuwa naman ng DoH na mas mababa pa rin ang 55 cumulative total FWRI cases ng 50 porsiyento kumpara sa nabiktima ng paputok sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, at 75% mas mababa sa five-year average period.

Nabatid na ang mga biktima ng paputok ay edad dalawa hanggang 69, at 49 sa nasabing bilang ay lalaki.

Sa 55, dalawang paslit ang nakalunok ng paputok.

National

Ombudsman, 'no bail' para kay Sen. Estrada dahil sa umano'y ₱573M kickback sa flood control

Limang katao ang kinailangang putulan ng daliri, 32 ang nasugatan sa katawan o nalapnos ang balat, habang 19 ang nagkaroon ng pinsala sa mata.

Pinakamarami pa ring nabiktima ang boga, na umabot sa 14, kasunod ang triangle at kuwitis na may tig-anim na nabiktima, tigatlo naman ang nabiktima ng piccolo, five star, at baby rocket, habang tigalawa ang nabiktima ng bawang, camara at luces.

-Mary Ann Santiago