CAMP GEN, PANTALEON GARCIA, IMUS, Cavite – Isa namang preso ang naiulat na nasawi sa loob ng Imus City jail sa Cavite, kamakailan.

Kinilala ng Cavite Police Provincial Office ang nasabing bilanggo na si Rodelio Miranda Alcoca, 45, negosyante, na ikinulong nitong nakaraang buwan dahil sa pagkakasangkot sa illegal drugs.

Sa report ng mga awtoridad, naisugod pa si Alcoba sa ospital kung saan ito binawian ng buhay.

Si Alcoba ay ika-apat na presong nasawi sa nakaraang tatlong araw, dahil na rin sa iniindang sakit.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Ang dalawang iba pang nasawi ay mula sa Dasmariñas jail habang ang ikaapat ay mula naman sa Bacoor City jail.

Ang magkakasunod na insidente ay resulta lamang umano ng masikip at hindi magandang kalagayan ng mga kulungan sa bansa.

-Anthony Giron