MATAPOS buwagin ang dating National Team, isang solid na koponan ang isasabak ng Philcycling sa 2019 Southeast Asian Games.

Ito ay bunga ng paguusap at pagkakaisa ngmga stakeholders at opisyal sa cycling community.

Isinumite ng nasabing asosayon ang mga pangalan nina Le Tour de Filipinas champion na si El Joshua Carino at Le Tour de Langkawi best Asian rider na si Marcelo Felipe sa Philippine Sports Commission (PSC).

Bukod sa dalawang riders makakasama sa Men’s Elite Road Team buhat sa Go-for-Gold na sina Ryan Cayubit at Jonnel Carcueva, 7 eleven Rpad Bike Mark Galedo, Rustom Lim, George Oconer at mga Navymen na sina John Paul Morales, John Mark Camingao at Ronald Oranza.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Gayunman ay pag-aaralan pa rin ng PSC Board ang ang nasabing listahan na naisumite para sa koponan ng Pilipinas sa Cycling.

Nakapasok din ang pangalan nina 2015 SEA Games ITT champion na si Marella Salamat at Jeremy Prado ng Philippine Navy na tanging mga babae na kasama sa national team.

Sa men’s under 23, kasama rin ang mga pambato ng Go for Gold na sina Rex Luis Krogg na siyang silver medalist sa Asian Junior Championship, Jay Lampanog, Jericho Lucero, Ismael Grospe Jr., Joshua Bonifacio, Daniel Ven Camino.

-Annie Abad