Labing-isang katao, karamihan ay namimili, ang nasugatan nang magkaroon ng pagsabog sa harap ng isang mall sa Cotabato City ngayong bisperas ng Bagong Taon.

Ayon sa report Police Regional Office (PRO)-12, nangyari ang pagsabog bandang 1:59 ng hapon sa harap ng South Seas Mall sa Magallanes Street, Barangay Poblacion, Cotabato City.

“Base sa inisyal na report na natanggap natin, may malakas na pagsabog nga sa tapat ng mall na 'yun. Unfortunately, maraming mga nasugatan—karamihan sa kanila most likely ay mga mamimili,” sabi ni Supt. Aldrin Gonzales, tagapagsalita ng PRO-12.

Hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sinabi ni Gonzales na hindi pa rin natutukoy ng pulisya ang dahilan ng pagsabog, o kung aksidente lang ito—dahil nangyari ang insidente malapit sa isang tindahan ng paputok.

“May mga SOCO at EOD na ipinadala at inaalam na kung ano 'yung dahilan ng pagsabog,” aniya.

Martin A. Sadongdong