Nakatakdang imbestigahan ng Kongreso ang umano’y maanomalyang pangangasiwa ng National Electrification Administration (NEA) sa Oriental Mindoro Electric Cooperative, Inc. (ORMECO).
Ito ay nang kuwestiyunin ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali ang naging kautusan ni NEA Administrator Edgardo Masongsong na nagtatalaga kay Orlando Andres bilang Project Supervisor/Acting General Manager ng ORMEC, nitong Agosto 16, 2017.
Aniya, kinumpirma rin ng Board of Administrators ang naging kasutusan ni Masongsong sa nasabi ring araw.
Binanggit din ng kongresista ang pag-apruba ng ORMECO Board opf Directors noong Agosto 18, 2017 sa NEA Office Order No. 2017-156 kung saan itinatalaga si Engr. Felipe Radin sa ORMECO upang asistehan si Andres sa mga technical problem.
"The NEA issuance failed to substantiate basis for the takeover measure and failed to observe the necessary due process in taking over management of ORMECO by designating an Acting General Manager of ORMECO," he said.
-Charissa M. Luci-Atienza