May sinusunod na kaugalian at tradisyon ang ilang Pinoy sa pagsalubong sa Bagong Taon, sa paniniwalang maghahatid ito ng suwerte.

Kabilang sa mga tradisyong ito ang pagsasaboy ng barya sa paligid ng bahay, pagsusuot ng polka dots, at pag-iingay.

Ngunit nagpaalala ang isang pari na tanging ang Diyos ang may kapangyarihan na gawin ang lahat, partikular sa larangan ng pagpapala.

“It is God who make things happen. It is God who blesses us things and not these things,” sinabi ni Father Roy Bellen, ng Archdiocese of Manila Office of Communications, sa isang panayam. “Hopefully, more than that (lucky charms) it’s God’s grace that we look for.”

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sa nakalipas, sinabi ni retired Caloocan Bishop Deogracias Iñiguez na ang tanging paraan upang suwertehin ang mga Pinoy, hindi lang sa 2019 kundi sa mga susunod pang taon, ay kung magiging positibo sa pananaw sa buhay.

“We should always be optimistic. Something new is given to us and it’s all up to us how we are going to make use of it for the good,” sabi ni Iñiguez. “Our fate is mainly in our hands.”

-Leslie Ann G. Aquino