Umabot sa mahigit 140 ang naitalang aftershocks kasunod ng magnitude 7.2 na pagyanig sa Davao Oriental bago magtanghali nitong Sabado.

Iniulat ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Renato Solidum na umabot na sa 143 ang naitalang aftershocks hanggang 6:00 ng umaga kahapon, bagamat isa lang sa nasabing mga pagyanig ang naramdaman.

Kabilang sa mga naitalang aftershocks ang may lakas na magnitude 5.6 na yumanig sa baybayin ng Davao Oriental bandang 5:13 ng hapon nitong Sabado.

Ang nasabing mga pagyanig ay bunsod ng paggalaw ng Philippine Trench.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

-Jun Fabon