DHAKA (AFP) – Dalawa katao ang nasawi sa mga bakbakang may kaugnayan sa eleksiyon sa Bangladesh kahapon, sinabi ng pulisya, kasunod ng madugong kampanya.

Isang lalaki ang namatay nang magpaulan ng baril ang mga pulis sa mga aktibista ng oposisyon na anila ay umatake sa isang polling station sa katimugang bayan ng Bashkhali.

‘’One person was killed from bullet wounds. We fired in self-defence,’’ wika ni local police chief Mohammad Kamal Hossain.

Isang aktibista naman ng namumunong Awami League party ang namatay matapos siyang bugbugin ng pinuno ng opposition supporters sa sagupaan sa timog silangang distrito ng Rangamati.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

‘’He died on the way to hospital,’’ sinabi ni local police chief Najibul Islam.

Iniakyat nito sa anim ang bilang ng mga taong kinumpirma ng pulisya na namatay sa karahasan kaugnay sa halalan kahapon, na inaasahang mananalo sa ikaapat nitong termino si Prime Minister Sheikh Hasina.