NEW YORK (AP) — Dadalo sina Ryan Seacrest at Anderson Cooper. Pupunta rin si Snoop Dogg.

Ngunit ang pagtaya na 1 hanggang 2 milyong katao ang dadagsa sa New York’s Times Square para sa New Year’s Eve ay tila sobra-sobra.

Ayaw maniwala ng crowd-size experts sa napakalaking bilang – na pinalulutang ng city officials at event organizers — sinabing imposible na mapagkasya ang ganito karaming tao, kahit pawang payat ang mga magsasaya, sa napakaliit na espasyo.

Ang totoong Times Square ball drop crowd ay posibleng nasa 100,000 katao lamang, ayon sa crowd science professor na si G. Keith Still.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“Generally, people are overestimating crowd sizes by 10- to 100-fold,” ani Still, nagtuturo ng science sa Manchester Metropolitan University sa England at nagsasanay sa police departments sa techniques para magkalkula ng laki ng crowd.

Nagmula ang crowd estimates sa New York City Police Department, ayon sa Times Square Alliance, na namamahala sa ball drop.

Sa mga nakalipas na taon, tinaya ng department na 2 milyong katao ang dadagsa sa Times Square. Ginamit muli ni Mayor Bill de Blasio ang malaking bilang nitong Biyernes, sinabing inaasahan ng lungsod ang “up to 2 million people in Times Square itself,” isang korteng bow-tie na lugar na umaabot ng limang bloke mula Broadway hanggang 7th Avenue.