HINDI umasang mananalo sa pagka-Best Supporting Actress si Ria Atayde para sa pelikulang The Girl in the Orange Dress, pero dumalo siya sa nakaraang 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal sa The Theater at Solaire, dahil ang katwiran niya, kapag nominado, dapat dumalo.

Sabi nga namin sa dalaga, sa susunod ay siya naman ang aakyat sa entablado para tanggapin ang sariling award.

“Keri lang, tita. I’m not after awards naman, I just wanna act and work, ha, ha, ha.”

Biniro namin siya na siyempre pa magandang may award para pampataas ng talent fee. Ha, ha, ha!

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

“I guess,” tipid na sabi ng dalaga.

Samantala, habang ka-text namin si Ria ay patungo na siya sa airport para sundan ang pamilya sa Japan, kung saan sila magbabakasyon bago mag-Bagong Taon.

Disyembre 26 umalis si Sylvia Sanchez kasama ang asawang si Art Atayde at mga anak na sina Gela at Xavi. Hindi sumabay si Ria dahil mas inuna niyang dumalo sa Gabi ng Parangal. Wala naman kaming alam kung kasabay ng aktres ang Kuya Arjo niya.

Sa Disyembre 31 ng umaga ang balik ng pamilya Atayde sa ‘Pinas, para rito salubungin ang 2019.

Samantala, balik-taping na si Ria sa teleseryeng Halik, na balitang extended dahil sa taas ng ratings.

-Reggee Bonoan