NAGHAHANDA para sa pinakamalaking torneong kanilang lalahukan, nakatakdang isabak ng Philippine Men’s National Football Team ang isang malakas na lineup sa 2019 AFC Asian Cup.

Nangunguna sa koponan ang mga beterano at magkapatid na sina Phil at James Younghusband.

Kasama rin sa team ang mga defenders Carlos de Murga, Stephan Palla, Daisuke Sato, Luke Woodland, at Alvaro Silva.

Nariyan din sina midfielders Adam Tull, Kevin Ingreso, Paul Mulders, Manny Ott, Mike Ott, John-Patrick Strauss, Miguel Tanton at Stephan Shrock gayundin ang mga forwards na sina Jovin Bedic, Curt Dizon, Javi Patino, Iain Ramsay, at Patrick Reichelt.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Nakahanay namang mga goalie sina Michael Falkesgaard, Kevin Ray Hansen at Ace Villanueva.

Hindi naman nakasama sa roster ang ace goal keeper na si Neil Etheridge.

Isang beses lamang na pinayagan ang 6-foot-2 England-born goalie na maglaro sa Asian Cup ng kanyang club team sa Premier League na Cardiff City.

Muling gagabayan ang koponan na mas tanyag sa tawag na Azkals ni coach Sven-Goran Eriksson katulong sina Scott Cooper, Stefano Marsella at Chris Greatwich.

Kasama ng Team Philippines ang South Korea, China, at Kyrgyzstan sa group stages.

Una nilang makakalabsn ang South Korea sa Enero 7, sunod ang China sa Enero 11 at ang Kyrgyzstan sa Enero 16.

-Marivic Awitan