TAUN-TAON, tuwing December 25, sa Missionaries of Charity sa Tondo, Manila ipinagdiriwang ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas ang kanyang Pasko. This year, iba ang Christmas celebration para sa kanya.

Ai Ai

“Kung susumahin mga 24 years na akong dumadalaw dito at mga 20 years na din akong naglilingkod, pero isang batang hindi ko kakilala, pagpasok ko pa lamang kanina ni-lock niya ‘yung arms ko sa katawan niya, hehe, natutuwa ako and may certain happiness na hindi ko maipaliwanag,” kuwento ni Ai Ai sa kanyang post sa Instagram.

“Tapos after nito, dumalaw kami sa kabila, ‘yung Home of Joy (para naman sa mga inabandonang baby at bata). Kasama ang mga anak ko (Sophia, Nicolo, Sancho).

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Bakit ko ito ginagawa? Hindi para magpa-impress at magpabida. Dahil gusto kong matutunan ng aking pamilya, specially ng mga anak ko, to be selfless and generous. (at success naman umiyak sila kanina lahat. hehe). And nang ma-realize nila how blessed they are na wala sila sa ganitong kalagayan.

“And I/we PRAISE AND GRATEFUL sa ating Panginoon na kami ay may kinakain araw-araw, may maayos kaming bahay na tinitirhan. May hamon at keso sa Noche Buena. Happy birthday, LORD. Thank You po sa lahat.”

Sa isang Viber message sumagot kay Ai Ai ang anak niyang si Sophia: “Mama thank you po. Thank you for teaching us to be selfless and to be generous. Grabe, Ma. Grabe ‘yung impact ng presence natin sa mga batang yun. Thank you talaga Ma.”

Na sinagot din ni Ai Ai: “Awww, yes, anak. Matatandaan nila ‘yun and gusto ko hanggang pagtanda n’yo baunin n’yo ‘yung itinuturo ko sa inyo.”

May ang isang partikular na pangyayari na iniyakan ng mga anak ni Ai Ai.

“Kasi may kinarga silang bata na parang may slight down syndrome, sabi ng bata ‘Thank you, God, may kumakarga sa ‘kin. Salamat po’. Kahit ako naiyak, dahil ayaw ng bata ng laruan, gusto lamang niya may kumakarga sa kanya,” kuwento ni Ai Ai.

Bukod sa mga regalo, nagkaroon din ng short program si Ai Ai at mga anak, kasama ang mga kaibigang sina Bro. Adrian Panganiban at Bro. Michael Angelo Lobrin, na lalong nagpasaya sa mga tagaroon.

-Nora V. Calderon