KINABOG ni Dennis Trillo sina Jericho Rosales at Eddie Garcia nang siya ang tanghaling Best Actor para sa pelikulang One Great Love, mula sa Regal Films, sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal, na ginanap sa The Theater at Solaire sa Parañaque City nitong Huwebes.

Kim & Dennis copy

Bago nagsimula ang Gabi ng Parangal ay matunog ang pangalan ni Tito Eddie na mag-uuwi ng Best Actor award para sa Rainbow’s Sunset, handog ng Heaven’s Best Entertainment.

Ending, siya lang ang hindi nanalo. Dahil si Ms Gloria Romero ang itinanghal na Best Actress, Best Supporting Actor si Mr. Tony Mabesa, at Best Supporting Actress si Aiko Melendez.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Walo ang pelikulang kasama sa 2018 MMFF pero halos tatlong pelikula lang ang naghakot ng awards, ang Rainbow’s Sunset, One Great Love, at Aurora. Mabuti na lang at napansing Best Float ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles, na nasungkit din ang FPJ Memorial Award.

Medyo mahina sa box office ang One Great Love at Rainbow’s Sunset, pero dahil humakot ito ng awards ay maging daan sana ito para panoorin ng mga tao ang dalawang pelikula, at ibalik sana ang mga ito sa mga sinehan na nagbawas na ng cinema.

Kampante naman na ang Viva Films at Aliud Entertainment sa Aurora ni Anne Curtis, dahil nasa ikatlong puwesto ito sa box office, at siguradong mae-extend pa pagkatapos ng MMFF.

Anyway, hindi nasilayan sina Vic Sotto, Coco Martin, Maine Mendoza at Vice Ganda sa Gabi ng Parangal, at wala rin sina Dingdong Dantes, Richard Gutierrez, at si Dennis.

Dumating naman ang mga pangunahing bidang babae sa mga pelikulang kasali sa MMFF 2018 na sina Ms Gloria, Aiko, Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, Jessy Mendiola, at Ria Atayde.

Nagtataka ang lahat dahil ang lahat ng artista sa One Great Love, maging ang direktor na si Eric Quizon at producers na sina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde ay hindi dumating sa Gabi ng Parangal. Boykot daw ba ito?

Well, sa pagkakaalam namin ay nasa ibang bansa ang mag-inang Mother Lily at Roselle para sa kanilang yearly family bonding sa Korea.

Tinanong namin ang taong malapit kina Mother Lily at Roselle kung bakit hindi nakarating ang mga bida ng pelikula.

“Si JC (de Vera) on vacation. [Si] Dennis (Trillo) may trangkaso, sabi ni Popoy (Caritativo, manager). At sina Kim (Chiu) at Eric (Quizon) nasa vacation. May sakit din Roselle, super sipon at ubo,” kuwento sa amin.

Hayan, maliwanag na hindi ibinoykot ng One Great Love artists ang 2018 MMFF Gabi ng Parangal.

Anyway, narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo sa 2018 MMFF Gabi ng Parangal.

Best Actor: Dennis Trillo, One Great Love

Best Actress: Gloria Romero, Rainbow’s Sunset

Best Supporting Actor: Tony Mabesa, Rainbow’s Sunset

Best Supporting Actress: Aiko Melendez, Rainbow’s Sunset

Best Director: Joel Lamangan, Rainbow’s Sunset

Best Picture: Rainbow’s Sunset

2nd Best Picture: Aurora

3rd Best Picture: One Great Love

Best Float: Jack Em Popoy: The Puliscredibles

Best Child Performer: Phoebe Villamor, Aurora

Best Student Short Film: Kasilyas (Bulacan State University)

Best Visual Effects: Aurora

Best Production Design: Rainbow’s Sunset

Best Sound Design: Aurora

Best Musical Score: One Great Love

Best Original Theme Song: Sa ‘Yo Na (Rainbow’s Sunset)

Best Editing: Jack Em Popoy: The Puliscredibles

Best Cinematography: Aurora

Best Screenplay: Eric Ramos, Rainbow’s Sunset

FPJ Memorial Award: Jack Em Popoy: The Puliscredibles

Scratch It Lucky Stars of the Night: Jericho Rosales & Anne Curtis

Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award: Rainbow’s Sunset

Special Jury Prize: Eddie Garcia

Special Jury Prize: Max Collins

-REGGEE BONOAN