ISA sa masasabing malaking kaganapan sa sports sa taong 2018 ang Jiu-jitsu athlete na si Meggie Ochoa.

MR. and Mrs. Ochoa

MR. and Mrs. Ochoa

Sa edad na 28, hindi na mabilang ang napagtagumpayan ng Pinay martial arts jin, tampok ang gintong medalya sa Ju-Jitsu Internal Federation (JJIF) World Championships sa Malmo, Sweden.

Bago maging World Champion, nasungkit ni Ochoa ang gintong medalya sa 49-kilogram division sa 2018 Abu Dhabi Grand Slam Jiu-jitsu World Tour sa London.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“This is the beauty of the sport. Meron tayong stereotype. Yung iba hindi coordinated. Medyo nahihirapan silang mag-excel but you can put in the hard work. Kahit wala kang natural skills you can excel,” pahayag ni Hansel Co, coach ni Meggie.

Ngunit, kung may taong walang pagsidlan ang kasiyahan sa tagumpay ni Meggie, ito’y ang kanyang magulang na sina Jobert Ochoa at Lee P. Ochoa.

Sa panayam ng Manila Bulletin Sports Online, nagbalik-gunita sila sa sandaling ipaalam ka nila ni Meggie ang interest nito sa naturang sports.

“Siyempre unang maiisip ko masasaktan siya. Pero nakita ko nandon yung passion niya. Ganon kasi kami sa mga anak namin. Kung ano gusto nila basta hindi masama, if that’s their passion su-support namin,” pahayag ni Jobert Ochoa.

“Pinagdasal ko talagang hindi matuloy yon kasi ayoko yung merong beating. Ayoko nung mga merong sakitan. Pero yun sa jiu-jitsu more on grappling. So sagot sa dasal ko yon na wala siyang nakitang opponent na kasing weight class niya,” ayon kay Lee Ochoa.

Sa kasalukuyan, kapwa hindi makapaniwala ang matandang Ochoa na makakamit ni Meggie ang tagumpay nang higit pa sa kanilang inaasam.

“This is beyond our wildest imagination,” ayon sa kanyang ama.

“Alam namin na yan ang plano ng Diyos. If you’re following God’s will in your life, you will succeed. Kasi Siya yung gagawa ng paraan para mag-succeed ka kasi plano niya yon. So heto, obviously andaming instances na ginabayan kami ng Panginoon,” sambit ng kanyang ina.

Saksi sila sa sakrispisyo ni Meggie para mapaunlad ang sarili sa sports.

“Naging mas focused siya, especially now that she knows that it’s beyond gold medals. Nakita niya yung purpose ng life niya and it helps her advocacy,” ayon kay Mrs. Ochoa.

“She always has her feet on the ground, and she has her purpose. Yung being selfless and yung having her feet on the ground creed niya yon. Remain humble tapos continue to be good,” aniya.

Hiniling ng mag-asawa sa mga kapwa magulang na may mga anak na nagnanais na pumasok sa sports na Jiu-Jitsu na ibigay ang suporta sa mga anak.

“Kahit anong mangyari – win or lose – we’re here for you. We’ll always be happy for you. Whatever you pursue suporta lang kami,” anila.

“Support your children’s dream as long as it’s not for the bad. It’s for the good and let them be. Let them be themselves, and let them grow.”

-BRIAN YALUNG