ANG bulkang Krakatau sa Sunda Strait sa pagitan ng Sumatra at Java, Indonesia ay sumabog noong 1883, isa sa pinakamalaking kaganapan sa kasaysayan. Mahigit 35,000 katao ang nasawi at 16 na barangay ang nawasak. Nanatiling aktibo ang Krakatau matapos ang pagsabog, ang vent nito na nakabuo ng isang maliit na isla ay tinawag na Anak Krakatau.
Nitong Sabado, sumabog ang Anak Krakatau, na nagdulot ng tsunami na umabot sa Java at Sumatra. Mahigit 429 na katao ang nasawi. Sinabi ng earthquake geologists na ang tsunami ay sanhi ng pagguho ng slope ng bulkan.
Una rito, nitong Setyembre, sa kaparehong bahagi ng mundo, mahigit 2,500 katao ang nasawi sa lindol at tsunami sa isang isla sa Sulawesi east ng Borneo. Noong 2004, tinamaan ang Sumatra ng 9.2 magnitude na lindol, na nagdulot na tsunami na ikinamatay ng mahigit 230,000 sa iba’t ibang bansa. Makalipas ang isang taon, 2005, tumama naman ang 8.5 magnitude na lindol sa west Sumatra, na ikinamatay ng 915.
Ang lahat ng ito ang dahilan kung bakit tayo dapat maging alerto sa Pilipinas, na nasa 1,500 milya ang layo mula sa northeast Sumatra. Tayong lahat ay parte ng tinawag na Pacific Ring of Fire, na may 452 bulkan; ito ay katumbas ng mahigit 75 porsiyento ng mga bulkan sa mundo. Siyamnapung porsiyento ng lindol sa mundo ay mula sa Ring of Fire. Ito ay mula sa Japan sa Northwest Pacific, pababa sa Pilipinas, silangan patungo sa mga isla sa Indonesia, ang South Pacific islands, sa New Zealand, at sa South at Central America, patungong Amerika, at sa Alaska sa Northern Pacific.
Ang Ring of Fire ng Pilipinas ay ang Mount Pinatubo sa Zambales na sumabog noong 1991, ang ikalawang pinakamalaking pagsabog noong ika-20 siglo matapos ang Novarupta Earthquake sa Alaska noong 1912. Wala pa tayong naitatalang pinakamatinding pagsabog ng bulkan matapos ang Pinatubo, ngunit nagbabala ang mga scientists na marami sa ating mga bulkan – Mayon, Taal, Kanlaon, Bulusan, Hibok-Hibok, at iba pa — ay maaaring sumabog anumang oras.
Maaari ring lumindol anumang oras. Katunayan, matagal na tayong nagsasagawa ng pagsasanay para sa pagdating ng “Big One” sa saanmang bahagi ng West Fault mula Nueva Ecija sa Metro Manila hanggang Cavite.
Nagbabala ang mga scientists laban sa mas maraming lindol sa Sunda Strait area ngayong ang Anak Krakatau ay nagbabadya. Maaaring isama ang Pilipinas sa mga binalaan. Matagal na tayong nababahala sa napakalakas na 7.1 magnitude na lindol at maaari itong patindihin ng kahit anong pananalasa na maghihiwalay sa mga lupa na nakapaloob sa ating mundo.