TALAVERA, Nueva Ecija – Isang magsasaka ang pinagbabaril at napatay ng dalawang kapwa magsasaka dahil sa alitan sa patubig sa Barangay Esguerra, Talavera, Nueva Ecija, kamakailan.

Sa ulat ng Talavera police, binawian ng buhay si Ernesto Punay, 59, ng naturang lugar, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Arestado ang isa sa dalawang suspek na si Antonio Tiquia, 54, ng Bgy. Gulod, Talavera, habang pinaghahanap si Sonny Boy Paynor, ng Bgy. Hilera, Jaen.

Nasamsam sa pinangyarihan ang isang .45 caliber pistol na may magazine at apat na bala.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

-Light A. Nolasco