HINDI masaya ang Christmas episode ng Ngayon at Kailanman dahil hindi pa rin magkasundo sina Inno (Joshua Garcia) at Eva (Julia Barretto), at pinasasakitan nila ang isa’t isa sa pamamagitan nina Roxanne (Elise Joson) at Oliver (Jameson Blake).

Halata namang mahal pa rin ni Inno si Eva pero hindi nito matanggap na iniwan siya dahil nangibang-bansa at ngayong bumalik ay inalok na magsanib-puwersa ang mga disenyo nila para sa Saavedra Jewelries.

At dahil sa galit ay pinahihirapan ni Inno si Eva, at lahat ng designs ng dalaga ay inaayawan ng binata, at basura ang tingin niya, bagay na ikinagalit din ng dalaga dahil malaki na ang ipinagbago ng lalaking mahal niya.

Sa wakas may magandang disenyo na si Eva pero hindi pa rin gusto ni Inno at masyado raw pa-sweet, kaya sinigurado na ng dalaga na maganda kaya ipinilit niya sa binata.

Tsika at Intriga

Janice, tikom ang bibig sa isyu nina John at Priscilla

Iniwan na ni Roxanne si Inno para harapin nito kung ano talaga ang nararamdaman niya para kay Eva at para hindi na siya gamitin pa. Hindi naman iniwan ni Oliver ang dalaga.

Nabuo na rin sa wakas ni Inno ang alahas na idinisenyo ni Eva at napahanga sila pareho dahil ang ganda ng resulta.

Samantala, ipinakita pa ring nagngingitngit sa galit si Stella (Alice Dixson) habang umiinom ng wine, bilang special treatment niya sa kulungan.

Anyway, patuloy na abangan ang ilang linggong natititirang episodes ng Ngayon at Kailanman pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano, sa ABS-CBN.

-Reggee Bonoan