ISA ang Dr. Love Radio Show sa longest-running program sa DZMM. Twenty one years na itong umeere, at hindi lamang sa Pilipinas naririnig kundi sa ibayong dagat via the Filipino Channel.

Last week, nilinaw ni Bro. Jun Banaag O.P., na first and foremost ay counseling program ang programa niya, na ang layunin ay tugunan at bigyan ng solusyon ang iba’t ibang suliranin. Secondary lang ang pagbibigay-daan niya sa mga may gustong batiin.

“At huwag pong asahang kapag nag-send kayo ng greeting at the start ng programa ay agad-agad itong mababasa. At kung isang tao na lang palagi ang inyong babatiin araw-araw ay hindi ko po kayo mapagbibigyan,” sabi ni Bro. Jun.

“Sa mga humihgi naman ng payo, please isulat kung kanino galing, at puwede kayong magpalit ng pangalan bilang proteksiyon na rin. Doon naman sa mga taong humihingi ng panalangin para kay Sto. Padre Pio ay di na namin babasahin ang mga kahilingan kundi isasama na lang namin sa iba pang humihingi ng tulong sa Sto. Padre Pio.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Twelve midnight kung isalang sa ere ang panalangin kay Padre Pio, at inaabangan ito ng maraming tagapakinig at deboto ng mapaghimalang santo. Sa pagtatapos ng programa, maririnig naman ang maikling dasal mula kay Mother Teresa of Calcutta.

-Remy Umerez