Mahigpit ang pagbabantay ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa posibleng pagpupuslit ng bulto-bultong ilegal na droga at iba pang kontrabando sa Subic Bay Freeport Zone (SBFZ).
Ayon kay BoC District Collector Rhea Gregorio, nagsasagawa sila ng monitoring sa daily shipment at iba pang aktibidad sa nasabing daungan upang hindi na maulit ang pagpasok ng illegal drugs na nagresulta sa pagkakakulong ng apat na Chinese, kamakailan.
“I am actually very strict in screening the entry of shipment of goods into this port to prevent the dumping of illegal drugs and contraband,” aniya.
Nitong Disyembre 14, pinatawan ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) ng habambuhay na pagkakabilanggo ang apat na Chinese dahil sa pagkakasangkot sa operasyon ng isang floating shabu laboratory na nasa isang fishing boat sa dalampasigan ng Barangay Calapandayan, Subic, Zambales noong Hulyo 11, 2016.
-Mar T. Supnad