PARA sa huling programa ng Philippine Racing Commission sa taong 2018, kapana-panabik at hitik sa aksiyon ang hatid ng Juvenile Championships sa Disyembre 31 sa Saddle and Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite.

Sanchez

Sanchez

Kabuuang 12 matitikas na two-year-old horses, sa pangunguna ng Obra Maestra at Forest Cover, ang magtatagisan ng galing sa P2.5-million stakes races, tampok ang P1.5 million sa mananalo.

Tatanggap ang runner-up ng P562,500, habang ang third and fourth placers ay may P312,500 at P125,000, ayon sa pagkakasunod. May nakalaan namang P75,000 sa breeder ng winning horse.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Dominante ang Obra Maestra sa kabuuan ng taon matapos magwagi sa P2-million 2018 Philracom Juvenile Fillies Stakes sa nakalipas na buwan. Pagmamay-ari ni Sandy Javier at sakay si jockey JB Guce, ratsada ang Obra Maestra sa huling 100 meters para makamit ang P1,200,000 premyo.

Samantala, hindi matatawaran ang husay ng Forest Cover sa 2nd leg ng Philracom Juvenile Colts Stakes Race sa Saddle and Leisure Park sa Naic, Cavite nitong October. Nilabanan ng kabayong alaga ni Aristeo G. Puyat ang Mona’s Mark at Electrify hanggang sa finish line para makamit ang titulo sa 1,300-meter race, sakay si Jockey O’Neal P. Cortez.

Asahan ang pagkikig sa 1,600 meter race ng Full of Grace (jockey MA Alvarez, owner Alfredo R. Santos); Gatighan Island-(JP A Guce, Wilbert T.Tan); Lady Mischief (KB Abobo, SC Stockfarm); Mona’s Mark (DH Borbe Jr., Raymund B. Puyat), Mood Swing (JA Guce, SC Stockfarm); My Jopay (CP Henson, Moises B. Villasenor), Oktubre Katorse (VM Camanero Jr., Bonapart P. Atianzar); Royal Bell (JB Hernandez, Bell Racing Stable); Serafina (MB Pilapil, Peter I. Aguila; at Toy For the Bigboy (JB Cordova, Alfredo R. Santos).

“Twelve of the country’s best 2YOs will be on spotlight, but only one will be crowned the year’s best juvenile,” sambit ni Philracom Chairman Andrew A. Sanchez. “What a way to end the year.”

Pinangangasiwaan ang Philracom races ng Philracom’s Rating-Based Handicapping System, na nabuo bunsod nang pakikipagkasundo ng komisyon sa International Federation of Horseracing Authorities, na nagsusulong ng patas na regulation at world class program batay sa international standard.

Bilang miyembro ng IFHA, handa at bukas ang Philracom sa pagbabago batay sa world standards na sinusunod ng international body, tulad ng rating-based handicapping system, equine drug-testing at transfer of technology, para masiguro ang mataas na kalidad na karera sa bansa.