BONGABON, Nueva Ecija – Dead on arrival sa ospital ang isang construction worker nang pagsasaksakin ng nakaalitan sa inuman sa Barangay Kaingin, Bongabon, Nueva Ecija, kamakalawa ng madaling araw.
Sa ulat ng Bongabon police, kinilala ang biktima na si Wilmar Collado, 43, ng Bgy. Kaingin sa nabanggit na bayan.
Arestado naman ang suspek na si Ryan Pascua, 38, tricycle driver, ng Bgy. Vega ng naturang bayan.
Nag-iinuman ang grupo ng dalawa nang bigla silang magkainitan na humantong sa pananaksak.
-Light A. Nolasco