CHICAGO (AP) — Masigabong palakpakan ang isinalubong ng crowd sa dating hometown hero Derrick Rose. At sa kanyang unang paglalaro laban sa dating katropa sa United Center, siniguro niyang magiging ispesyal ang sandali.

SINAGASAAN ni Minnesota Timberwolves guard Derrick Rose ang depensa ni Chicago Bulls forward Justin Holiday sa kaagahan ng kanilang laro sa NBA. (AP)

SINAGASAAN ni Minnesota Timberwolves guard Derrick Rose ang depensa ni Chicago Bulls forward Justin Holiday sa kaagahan ng kanilang laro sa NBA. (AP)

Ratsada si Rose sa natipang 24 puntos at walong assists laban sa dating koponan para sandigan ang Minnesota Timberwolves sa 119-94 panalo kontra Chicago Bulls nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila).

Nag-ambag si Karl-Anthony Towns ng 20 puntos at 20 rebounds para sa ikalawang sunod na panalo ng Timberwolves.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Kinuha bilang NO.1 overall pick ng Bulls si Rose noong 2008 draft at nagwagi ng MVP noong 2011. Bumaba ang performance ni Rose bunsod ng samu’t saring injuries at na-trade sa New York Knicks noong 2016. Hindi naman nagkaroon ng katuparan ang inaasam ng Knicks kung kaya’t naitrade ito sa Wolves sa pagbubukas ng season.

Ayon kay Rose, 50 tickets ang binili niya para sa mga kaibigan at kaanak para manood ng laro.

Nanguna si Zach LaVine sa Bulls sa naiskor na 28 puntos, habang tumipa si Lauri Markkanen ng 16 puntos.

Binigyan ng standing ovations si Rose at dating Bull center Taj Gibson sa player introductions.

Naisalpk ni Towns ang unang baskets para sa Wolves, ngunit si Rose ang nagpainit sa opensa sa kanyang signature drives at jump shots para sa 29-18 bentahe ng Wolves sa first period.

SPURS 111, NUGGETS 103

Sa San Antonio, ginapi ng Spurs, sa pangunguna ni DeMar DeRozan na may 30 puntos, ang Denver Nuggets.

Nag-ambag si LaMarcus Aldridge ng 27 puntos, habang kumana si Bryn Forbes ng 15 puntos para sa Spurs (19-16), nagwagi sa ikawalong pagkakataon sa nakalipa sna 10 laro.

Nanguna si Juancho Hernangomez sa Nuggets (21-11) na may 27 puntos, habang nagsalansan si Malik Beasley ng 22 puntis at humirit si Monte Morris ng 15 puntos.

Nalimitahan si Denver center Nikola Jokic sa apat na puntos mula sa mababang 1-for-5 shooting.

Naitala ng Spurs ang apat na blocked shots, kabilang ang pagpigil ni Spurs guard Derrick White sa layup ni Jamal Murray na naging daan sa driving dunk ng una para sa 91-80 bentahe ng San Antonio may 7:28 ang nalalabi sa laro.

PACERS 129, HAWKS 121

Sa Atlanta, naisubi ng Indiana Pacers ang ikatlong sunod na panalo nang pabagsakin ang Hawks.

Hataw si Thaddeus Young sa nakubrang 21 puntos, habang kumana sina Domantas Sabonis at Tyreke Evans ng tig-19 puntos.

Nanguna sa Hawks si Kent Bazemore na may career high 32 puntos at kumana si John Collins ng 21 puntos at 11 rebounds at humugot si Dewayne Dedmon ng 18 puntos at season-best 15 rebounds.

RAPTORS 106, HEAT 104

Sa Miami, nanguna si Kawhi Leonard na may 30 puntos, ngunit ang three-pointer ni Danny Green sa huling 22.7 segundo ang bumuhat sa Raptors sa dikitang panalo para maitala ang NBA best record sa 26-10.

Kumubra ng kabuuang 18 puntos si Green at humirit si Fred VanVleet ng 16 puntos para sa Raptors, naisalba ang dikdikang laro sa fourth quarter kung saan nagkaroon ng 12 palitan ng bentahe at apat na pagtabla.

May tatlong pagkakataon ang Miami na maipanalo ang laro, ngunit sumablay ang three-point attempt nina Dwyane Wade at Justise Winslow, gayundin ang tip-in ni Wade sa buzzer.

Nanguna si Winslow sa Miami na may 21 puntos, habang kumana sina Josh Richardson at Hassan Whiteside ng 17 at 16 puntos, ayon sa pagkakasunod para sa Heat na galingh sa five-game winning streak.

Tumipa sina James Johnson at Tyler Johnson ng tig-12 puntos, habang umiskor si Wade ng 10 puntos.

SUNS 122, MAGIC 120 OT

Sa Orlando, Fla., naungusan ng Phoenix Suns, sa pangunguna nina Devin Booker na may 35 puntos at T.J. Warren na may 24 puntos, ang Orlando Magicn sa overtime.

Kumasa si Kelly Oubre Jr. ng 19 puntos at tumipa si Josh Jackson ng 10 puntos para sa Phoenix, nagwagi sa ikalimang pagkakataon sa nakalipas na pitong laro.

Hataw si D.J. Augustin sa Orlando na may 27 puntos at anim na assists, habang tumipa si Nikola Vucevic ng 22 puntos at 13 rebounds, at kumana si Terrence Ross ng 18 puntos mula sa bench.

Sa iba pang laro, ratsada sina Blake Griffin na may 23 puntos at siyam na rebounds,at Andre Drummond sa kanyang ika-10 sunod na double-double – 16 puntos at 11 rebounds -- para sandigan ang Detroit Pistons kontra Washington Wizards, 106-95; tinalo ng Dallas Mavericks ang New Orleans Pelicans, 122-119.