MAAGA pa noong Christmas Day, December 25, ay nag-post na si Maine Mendoza sa Instagram ng picture niya with a caption: “What it feels like working on Christmas Day.”

Yes, mag-isa kasing nag-theater tour si Maine sa mga sinehan sa opening ng pelikula nilang Jack Em Popoy: The Puliscredibles with Vic Sotto and Coco Martin. May screening na kasi as early as 9:30 am.

First stop ni Maine ang SM Mall of Asia, at doon pa lang ay sinalubong na siya ng napakaraming fans, na ang iba ay hindi na nakapasok sa first screening, pero masaya sila dahil nakita naman nila si Maine.

Second stop niya ang SM Megamall sa Pasig City. Iyong ibang moviegoers, nasorpresa sa pagdating ni Maine. Sa dami ng tao na kasamang nanood ni Maine, biro niya, wala raw siyang naintindihan pero sana raw ay nagustuhan nila ang movie.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Third stop ni Maine sa Trinoma.

“Sana kung nagustuhan ninyo ang movie, panoorin ninyo ulit.”

Fourth stop ni Maine sa The Block SM North EDSA. Dito na raw nahirapan nang husto ang security dahil nabalitaan nang darating si Maine (katabi lang kasi ang Trinoma), kaya binantayan na ng fans ang pagdating niya.

Labis ang pasasalamat ni Maine sa lahat ng mga nanood at sumuporta sa kanilang movie na showing na in cinemas nationwide.

Nagkaroon din pala ng theater tour ang katambal niyang si Coco Martin pero hindi naman sila nagkasalubong sa alinman sa sinehang pinuntahan ni Maine. Maganda naman iyon dahil naaliw nila at napasalamatan ang mga moviegoers.

Kinagabihan nag-post naman si Maine na manonood ang buong family niya, sina Tatay Teddy, Nanay Mary Ann, mga brothers na sina Nico at Dean, at sisters Nikki and Coleen.

Nag-tweet si Nanay Mary Ann (@macmendoza75): “Finally napanood na rin namin ang JEP. Promise, hindi naman ako bias. It’s worth the time and money. Congrats Vic, Coco, Meng and the entire production team. Sa mga hindi pa nakakapanood, please watch. Ganda talaga!”

Ayon kay Direk Mike Tuviera, sa second day nila kahapon ay nadagdagann na sila ng sinehan. Ngayong December 27, simula na ng international screening ng movie.

-Nora V. Calderon