SA kanyang homily sa misa noong bisperas ng Pasko, hinikayat ni Pope Francis ang mga Kristiyano na maging payak at simple, itapon ang pagka-gahaman, kasibaan at materyalismo ng Pasko. Sa misa na ginanap sa St. Peter’s Basilica sa Vatican, umapela siya sa mga tao na pagtuunan nang higit ang mensahe ng Pasko o pagsilang ni Hesus: kapayakan (simplicity), kawanggawa, at pag-ibig.
Sa larawan na inilabas ng isang English broadsheet kahapon, makikita si Pope Francis na hinahalikan ang mga paa ng estatwa ni Baby Jesus, tanda ng pagmamahal at kapakumbabaan.
Sa kanyang ika-6 na “Urbi et Orbi” (To the City and to the World) address naman noong Martes (Pasko), inihayag ng Santo Papa ang kanyang Christmas wish ng pagkakapatiran ng mga mamamayan ng mundo na may iba’t ibang paniniwala, lahi o ideya. Hinikayat ang sangkatauhan na itapon ang “partisan interests” upang magkaroon ng solusyong pulitikal ang mga digmaan sa Syria at Yemen at gusot sa Ukraine at Korean peninsula. Sana sa Pilipinas din.
Sa isa pang larawan ng broadsheet, ipinakita ang FB post ni ex-Davao City Mayor Paolo Duterte na kapiling ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang pamilya sa tradisyunal na Noche Buena. Kasama ng ating Pangulo ang una niyang asawa, si Elizabeth Zimmerman at mga anak na sina Paolo, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Sebastian.
Kasama rin sa FB photo ang ginoo ni Mayor Sara, si Atty. Manases Carpio, ang ginang ni Paolo na si January, ang ginang ni Sebastian na si Kate Necesario, at ang mga apo ni PRRD at Elizabeth. Nakatutuwa ang mensahe ni Mano Digong nitong Pasko: Matuto sa aral ng kapanganakan ni Kristo. Si Kristo, bagamat tunay na hari, ay piniling isilang sa hamak na sabsaban matapos tanggihan na patuluyin ng mga tao na nilapitan.
May nagtatanong: ‘Di ba hindi naniniwala si PDu30 sa Diyos ng mga Kristiyanong katoliko? Eh, bakit hinihikayat niya ang mga Pilipino na matuto sa diwa at mensahe ng pagsilang ni Jesus? Marahil, sa ubod ng puso at isip ng ating Presidente, naniniwala siya sa Diyos ng Simbahang Katoliko na ang aral ay pagmamahalan, pagkakasundo at pagkakaisa dangan nga lamang at nagkaroon siya ng malungkot at mapait na karanasan sa kamay ng ilang paring-Katoliko noong kanyang kabataan.
Sa panig ni Pope Francis, inihayag niya na maraming tao ngayon ang higit na nagpapahalaga sa material possessions. Ganito ang pahayag ni Lolo Kiko: “An insatiable greed marks all human history, even today, when paraxodically a few dine luxuriantly while all too many go without the daily bread to survive.” ‘Di ba sa dasal na Ama Namin, nanghihingi ng pagkain araw-araw ang mga mananampalataya?
Kinondena rin ng Santo
KINILIG ba kayo nang masilayan n’yo ang mga paboritong n’yong artista na nakibahagi sa parada ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa ilang piling lugar, nitong nakaraang Biyernes?
Sa kabila ng pabugsu-bugsong pag-ulan, dumagsa ang mga tagahanga sa daraanan ng makukulay na float ng mga artista.
sa maraming lugar.
Ang nagpalala sa sitwasyon ang pagbuhos na ulan, dahilan upang umabot sa gitna ng kalsada ang mga naghihintay na pasahero.
Natural lamang na lalong bumagal ang daloy ng mga sasakyan dahil nasa gitna na ng kalye ang mga commuter.
Hindi ba’t ang MMDA ang dapat na punong-abala sa pagsasaayos ng traffic?
Sa sitwasyong ito, ang MMDA ang naging puno’t dulo ng pagkakabuhul-buhol ng mga sasakyan dahil ito rin ang organizer ng MMFF.
Nasaan na ang MMDA sa kasagsagan ng traffic noong mga oras na iyon? Nanonood din ba kayo ng parade?
Imbes na matuwa ang mga taga-Metro Manila sa pagsasagawa ng MMFF parade ay puro mura ang naririnig natin sa kanila.
Isinabay pa kasi ang parade sa Christmas rush kaya marami ang nadamay.
Bakit hindi na lang isagawa ang MMFF celebration sa isang malaking lugar, katulad ng Quirino Grandstand, at doon na lang manatili ang mga artista upang hindi makaperwisyo sa traffic?
Pakiusapan na lang silang magsagawa ng ‘meet-and-greet’ session para sa fans.
Hindi ba’t mas maganda ito?
Pangulong Duterte na linawin sa publiko kung ano talaga ang papel at kahalagahan ng kanilang lupon.
Hindi siguro matanggap ng mga naging tagapatnugot na basta isantabi ang ilang buwan nilang pagpapawis na tapusin ang “obrang” konstitusyon, tila nasayang sa kibit-balikat ni Duterte na rebisahin ito sa Mababang Kapulungan, sa pangunguna ni bagong Speaker Gloria Macapagal Arroyo.
Ang problema kasi, akala nila ay sila na ang Kongreso! Matatalino naman kung ituring, subalit hindi ba nila matanggap na panukala lang ito? At kailangan idaan sa tamang proseso, na Senate at Lower House ang may kapangyarihang magpanday sa mga pagbabago o pagpapalit ng Konstitusyon. Sa totoo lang, mahabang proseso, talastasan at pagpapaliwanag bago pa matanggap, malunok at maintindihan ni Juan de la Cruz ang sistemang pederal. Huwag na natin banggitin na maraming gobernador, kasama ang lahat ng opisyal sa barangay, ang mawawalan ng kapitolyo at barangay hall! Kaya, bakit nga naman nila ikakampanya ang pederalismo kung mawawalan sila ng trabaho? Para sa akin, apat na panukala lang ang kailangan itulak ni Pangulong Duterte. Bagay na matagal ko nang sinusulong at tiyak ay madaling maunawaan ng sambayanan. Sigurado pang ikakampanya ang mga ito ng mga pulitiko; 1) Ibalik sa apat na taon ang termino ng mga lokal na opisyal, kasama mga barangay; 2) Ibalik din sa apat na taon ang termino ng mga congressman, limitado sa 12 taon katulad sa mga senador; 3) Kada halalan sa Senado, walo lang dapat ang maaring tumakbo; at 4) Ibalik sa apat na taon, na may re-election, ang presidente ng Pilipinas o walong taon kung muling mahalal. Batay ito sa natutuhan kay Manuel Quezon, na ang apat na taon ay maaaring tiisin kung palpak na pangulo ang nakaupo.
Papa, unang Latin American pope, ang global financial system na nagreresulta sa “rich richer at the expense of the poor.” Kabilang ba ang mahal kong Pilipinas sa pinatutungkulan dito ni Lolo Kiko, na maliit na porsiyento lang ng lipunang-Pilipino ang ubod ng yaman, kumakain nang masarap sa mga sikat na restaurant at hotel, samantalang milyun-milyong Pinoy ang salat sa pagkain, walang pera at marami ang hindi nakakakain ng tatlong beses sa maghapon?
-Bert de Guzman