DAHIL sa malakas na ulan kaya tatlong float lang ang nakalarga sa ginanap na 2018 Metro Manila Film Festival Parade of the Stars nitong Linggo, simula sa Parañaque City hanggang SM MOA.

Base sa kuwento sa amin ng mga naroon ay ang float lang ng Fantastica (Star Cinema/Viva Films), The Girl in the Orange Dress (Quantum Films/Star Cinema/MJM Productionst), at One Great Love (Regal Films) ang nakasali sa parade.

Ang ibang float, tulad ng sa Rainbow’s Sunset, Otlum, Jack em Popoy: The Puliscredibles, Mary Marry Me, at Aurora ay nahirapang makaalis sa holding area dahil sa putik.

Biniro nga namin si Direk Yam Laranas na literal na lumubog ang float nila, na barkong Aurora, pero hindi sa dagat kundi sa putik.

Pelikula

Vice Ganda, inihalintulad si Robredo sa kaniyang karakter: <b>‘Ikaw ang naging breadwinner nating lahat’</b>

“Ha, ha, ha, yes! Apat na floats, hindi ‘ata na-anticipate ng organizers ‘yung putik sa holding area,†sagot sa amin ng direktor.

“Ginamit ni Anne (Curtis) ang van niya para hindi ma-disappoint ang fans. Dedma na kami sa nangyari, stay positive,†kuwento pa ni Direk Yam.

At dahil maraming fans ang nag-aabang sa mga bida ng Jack Em Popoy ay gumawa kaagad ng paraan si Coco Martin, ginamit niya ang sariling armored van at doon siya sumakay kahit basang-basa siya sa ulan.

Sa mga hindi nakakaalam, pag-aari ni Coco ang armored van na ginamit niya, na ayon sa nalaman namin ay Sentry Personnel Carrier ang model at isa ito sa koleksiyon ng aktor, na nahihilig ngayon sa malalaking sasakyan dahil nagagamit niya ito sa trabaho.

Sakto na ito ang dala ni Coco bilang service para sa parada.

Sina Vic Sotto, Maine Mendoza, at Senator Tito Sotto ay sa truck ng police sumakay kasama ang fliptopers, ayon sa source namin.

“Okay na rin na hindi umabot ang float ng Rainbow’s Sunset kasi isasakay mo sina Tito Eddie (Garcia) at Tita Gloria (Romero)? Ang lakas ng ulan, eh, kung may mangyari sa matatanda?†sabi pa sa amin.

Bukod dito ay naawa ang mga tao sa ginawang human barricade sa Sucat na pawang matatandang babae na buti walang masamang nangyari dahil sa ulan.

Dahil makulimlim na pala, umaga pa lang at maputik na ang holding area ay may mga nagsabing paalisin na ang mga float sa lugar habang hindi pa masyadong basa ng ulan at ilipat sa may sementadong lugar, pero hindi raw nakinig ang local government ng Parañaque, ang ending lumubog ang mga nasabing float.

Anyway, base sa nakita namin ay magaganda lahat ang float dahil kanya-kanya silang pabonggahan para makuha ang Best Float, na ang premyo ay P200,000.

Sigurado kami na hindi ang premyo ang hinabol ng mga producer kundi ang titulong Best Float, dahil talagang ginastusan nila ng malaking halaga ang mga pinagawa nila.

Samantala, hiningan namin ng official statement ang MMFF tungkol sa nangyaring ito sa 2018 Metro Manila Film Festival Parade of the Stars.

Base sa ipinadalang statement sa amin ng spokesperson ng MMFF na si Noel Ferrer: “Hindi natin ginusto ang ulan kahapon sa parade, pero sama-sama nating napagwagihan ito. Salamat sa mga artista, producers, staff, pati na sa organizing committee mula sa MMDA at sa City of Paranaque pati na ang mga mamamayan ng Parañaque sa pagsasakatuparan ng ating tradisyon. Marami na tayong binunong unos at hamon na lalo pang makakapagbigay sa atin. Mabuhay ang MMFF!â€

Tinanong din namin kung totooong hahatiin na lang ang premyong P200,000 sa walo para sa Best Float.

“Wala pang desisyon about that prize, sa December 27 pa mismo ang deliberation (bago ang awards night),†ani Noel.

-Reggee Bonoan