MAY panawagan ang mga fans na nanood ng Parade of Stars last Sunday sa Parañaque City: Dapat daw ay hatiin na lang ang premyong Best Float ng 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF), sa walong pelikulang kalahok.

Ang gaganda kasi ng floats ng walong pelikula, na alam mong ginastusan nang malaki ng mga producers. Gayunman, nasayang ang ganda ng mga ito dahil nabalaho sila kung saan sila tinipon, dahil sa malakas na ulan noon pang Saturday evening. Lumambot ang lupa, at kung bakit hindi iyon napag-isipan ng mga taga- City of Parañaque, na host ng event, at sana ay nagawan nila ng paraan na maialis agad sa lugar ang mga float.

Mabuti ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles, nakahiram agad ng PNP car at doon doon sumakay si Coco Martin. Naghintay naman ang iba para mapagana ang float, at doon naman sumakay sina Vic Sotto at Maine Mendoza, Jose Manalo, at iba pang cast members ng pelikula.

Sa ibang sasakyan din sumakay ang bida ng Aurora na si Anne Curtis. Ang ibang float, naghintay na maiahon sa putik at tumuloy din ang parada, kahit medyo natagalang maghintay ang mga manonood, na nagtiis ding mabasa ng ulan makita lang ang kanilang mga hinahangaang artista.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sana nga ay i-consider ng MMFF Execom ang requests na ito.

-Nora V. Calderon