NANG malaman naming si Eric Quizon ang direktor ng One Great Love nina Kim Chiu, JC de Vera at Dennis Trillo ay sinabi namin sa mga katoto na “sure winner na ang movie dahil you can never go wrong with Direk Eric”. ‘Di ba nga’t blockbuster ang huling pelikulang idinirek niya, ang My 2 Mommies ni Paolo Ballesteros, na ipinalabas noong Mayo this year?

JC at Kim

Kaya namin nasabing sure winner dahil maganda ang story telling, maganda ang usaping teknikal, at sosyal ang locations ng mga pelikula niya. Parang tatak na yata ito ni Direk Eric, na dapat sa magagandang lugar at hindi gasgas o hindi laging napagsusyutingan ang mapapanood sa pelikula niya.

Sabi nga namin sa taga-Regal: “Ang mahal ng pelikula ni Direk Eric, ang gaganda ng mga mansiyon, may pa-yate pa, ang mahal ng upa.” At inabot pa ng 16 shooting days ang One Great Love, kaya ang laki ng inilabas na pera ng mag-inang Lily M. Monteverde at Roselle Monteverde sa pelikula, bukod pa sa malalaki tiyak ang talent fee ng tatlong bidang artista.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Para sa amin ay nasulit naman lahat ang gastos dahil ang ganda ng One Great Love, at sa pagkakataong ito, iniba ni Direk Eric ang karakter na nakasanayan nang mapanood kay Kim na pa-sweet at pa-cute.

Nabanggit na ito ni Kim sa amin nang makatsikahan naming siya pagkatapos ng special screening ng One Great Love sa SM Megamall Director’s Club nitong Sabado.

“Ibang Kim ako rito. Nandiyan nga ang Papa ko, nanood siya. Sabi ko huwag siyang mabibigla. Eh, okay naman daw kasi matanda na ako. Supportive naman ang Papa ko kasi bumiyahe pa siya mula Mindoro,” natatawang bungad ng aktres.

Aminado rin si Kim na sadyang nahirapan siya sa mga eksenang halikan nila nina Dennis at JC.

“Siyempre hindi naman madali na makikipag-kiss ka sa dalawa (aktor), ‘yung iba-ibang maki-kiss mo. Talagang nahiya ako, pero gusto ko, kasi para maiba naman.

“Nu’ng kinunan ‘yun, hindi pa kami nag-uusap (nina Dennis at JC), acting-acting lang talaga. Pero ngayong ganito kami ka-close, siguro mahihiya na ako.”

Kung dati, mga lalaki ang nangangaliwa sa mga love story, sa One Great Love ay si Kim ang nangaliwa, kaya challenging sa parte niya bilang unang beses niya itong ginawa sa buong showbiz career niya.

“Para iba naman. Babae naman, point of view ng mga babae. Hindi lahat ng lalaki ay nagkakamali, pati mga babae rin.

“Kaya kinakabahan po talaga ako sa December 25, gusto ko lang may matutuhan sila sa pelikulang ito. Hindi siya funny movie pero it’s something na may matutuhan sa larangan ng pag-ibig,” pahayag ng aktres.

Matatanggap kaya ng fans niya ang biglaang pag-switch niya ng image dahil sa ginampanan niyang karakter sa pelikula? “Kaya pa naman siguro. Hindi pa naman malalang-malala. Kasama naman sa tema ng movie na sa love, marami kang isa-sacrifice. Tulad ng trabaho ko ngayon, gusto kong may mapatunayan sa moviegoers and I’m happy na ganyan ang kinalabasan.

“Hi n d i a k o nagdalawang-isip na tanggapin ang karakter kasi totoo naman na mins a n nagkakamali a n g mg a b a b a e , m a r u p o k a n g mg a babae.

“Gusto k o n g mapatunayan na hindi lang ako puro patawa, love team-love team, jolly-jolly. Sana ma-appreciate ang Zyra na ipino-portray ko sa One Great Love,” say ng dalaga.

At dahil nakipag-love scene na si Kim ay posibleng higitan pa niya ito sa susunod niyang mga pelikula.

“Malalaman natin sa Tuesday (December 25) kung ano ang response ng mga tao, kung magugustuhan nila, at ‘yun lang ang ipinagdarasal ko.”

Feeling namin ay nasa top 4 ng highest-grossing 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) entries ang One Great Love, dahil bukod sa maraming fans sina Kim, JC at Dennis, ang istorya ang magdadala at magiging word of mouth ito. Ang galing ng mga artista, pati sina Marlo Mortel, Nina Dolino at si Miles Ocampo. At siyempre, si Direk Eric na kasama rin sa pelikula.

-REGGEE BONOAN