NUEVA ERA, Ilocos Norte – Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang barangay kagawad matapos siyang paulanan ng bala habang sakay sa kotse sa Barangay Caray, Nueva Era, Ilocos Norte, nitong Linggo ng gabi.

Sa ulat ng Nueva Era Police, nakilala ang biktima na si Norwel Balagso, 30, ng Bgy. Caray, na isinugod sa ospital dahil sa limang tama ng bala sa katawan.

Sa report ng pulisya, pauwi na ang biktima mula sa Christmas party nang itoy paputukan, dakong 11:50 ng gabi.

Sa takot ng biktima, agad itong nagtungo sa bahay ng kanyang biyenan at doon nagtago.

Probinsya

DepEd Antique, nagsalita tungkol sa principal na 'tumalak' sa graduation rites

Limang basyo ng M16 Armalite rifle ang narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo ng krimen at kung sino ang responsable rito.

-Liezle Basa Iñigo