IS A n a n a m a n g nakakamanghang Christmas Village, na may temang “Candyland” ang ihinahandog ng bayan ng Calaca sa Batangas ngayong Pasko.
T a u n - t a o n a y n a k a g awi a n n a n g magtampok ng Christmas Village sa harapan ng munisipyo ng Calaca tuwing Disyembre hanggang Enero.
Iba’t ibang tema kada taon ang naiisip na idisenyo ng mga malikhaing empleyado ng munisipyo, kung saan bawat departamento ay may kani-kaniyang istilo at disenyo.
Nagniningning ang mga Christmas display sa makukulay na ilaw sa gabi, na nagsisilbing atraksiyon hindi lamang sa mga residente kundi maging sa mga taga-ibang lugar.
Ayon kay Calaca Mayor Sofronio Manuel ‘Boogle’ Ona, ang Christmas Village ay regalo ng munisipyo sa mga taga-Calaca upang lalong maisabuhay ang diwa ng Pasko.
Ayon sa alkalde, tiyak na matutuwa ang mga taga-Calaca at mga dumarayong turista, lalo na ang mga bata, dahil sa mga palamuting candies at chocolates, idagdag pa ang nagkikislapang ilaw sa gabi kasabay sa saliw ng awiting Pamasko.
“ M a r a m i n g dumarayo dito kasi n a k i k i t a n i l a s a Facebook,” ayon kay Ona. “Ang ginagawa kasi ng mga pumupunta d i t o , n a g s e - s e l f i e tapos ipinopost nila sa social media, at nakakatuwa naman dahil naappreciate nila ang Calaca.”
Daang katao umano ang pumupunta sa Calaca upang masilayan ang kanilang Christmas Village tuwing gabi, lalo na kapag Biyernes hanggang Linggo, dahil walang pasok.
Ngayong taon, umaasa ang alkalde na maraming mapapasaya ang Calaca sa kanilang Candyland Christmas Village.
(Ang mga larawan ay mula sa pamahalaang bayan ng Calaca)
-LYKA MANALO