GOOD news sa kabataang nangangarap maging artista, magkakaroon na ng seventh season ang Starstruck ng GMA-7.

Jennylyn copy

Ang Starstruck ang una o original na artista search sa Pilipinas na nagsimula noong 2003. Isa sa mga na-discover ng show si Jennylyn Mercado na itinuturing ngayong isa sa prime artists ng GMA-7.

Nakatakdang umere sa papasok na taon ang bagong Starstruck na naglabas na ng requirements at audition dates para sa aspirants. Open ang Starstruck sa lahat ng babae at lalaking may lahing Pilipino, 16 hanggang 21 taong gulang.

Bianca Gonzalez na-pressure daw maging main host; Toni Gonzaga, mukha ng PBB

N a r i r i t o naman ang a u d i t i o n dates sa iba’t ibang urban centers sa sa Pilipinas: January 21 - Manila; January 26 - Cagayan de Oro; January 27 - Butuan; February 9 at 10 - Naga; February 16 at 17 - Cebu; March 2 at 3 - Davao; March 9 - Iloilo; March 10 - Bacolod; March 23 at 24 - Dagupan.

Ang below 18 years old ay kailangang magdala ng certification na pirmado ng mga magulang na siya ay pinapayagang mag-audition. Dapat ay magdala rin ng photocopy ng parent’s ID.

Ang bawat aspirant ay kailangang magdala ng original at photo copy ng kanilang birth certificate, isang close-up at isang full body photo.

Bukod kay Jennylyn, ang iba pang discoveries ng Starstruck ay sina Mark Herras, Ryza Cenon, Aljur Abrenica, Migo Adecer, Klea Pineda, Jackie Rice, Sarah Lahbati, Arci Muñoz, Paulo Avelino, Cristine Reyes, at maraming iba pa.

-DINDO M. BALARES