PINAGHARIAN ni dating San Sebastian College – Recoletos de Manila top player Louie “Espana” Salvador ang katatapos na Laos International Open Chess Championship 2018 Standard Competition na ginanap sa Vansana Hotel sa Vientiane, Laos.

Salvador

Salvador

Itinataguyod nina Novaliches Novelty Chess Club top honcho Sonsea Agonoy at Big Rook Chess Academy (BRCA) boss at famous pianist Nick Cholapat Chongstitwattana, nakopo ni Salvador ang walong puntos mula sa pitong panalo at dalawang draws para masikwat ang top prize US$ 1,200 sa nine-round FIDE sanctioned tournament.

Si Salvador na prodigy ni National Master (NM) Homer Cunanan ay nakapagtala ng panalo kontra kina Bruno Burbach ng Germany sa first round, Woman Candidate Master Goh Jie Yi ng Malaysia sa second round, Maneesorn Kankawee ng Thailand sa third round, Fide Master Sauravh Khherdekar ng India sa fourth round, Eric Cheah ng Malaysia sa fifth round, Collin Hornell ng Scotland sa seventh round at Fide Master (FM) Yaaqov Vaingorten ng Canada sa eight at penultimate round.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakipaghatian siya ng puntos kontra kina International Master (IM) Matthew Tan ng Netherlands sa sixth round at Fide Master (FM) Poompong Wiwatanadate ng Thailand sa ninth at final round.

Kamakailan, nagkampeon din si Salvador sa Assumption - Big Rook Chess Festival 2018 Under 2200 division, Standard chess tournament na ginanap sa Assumption Association Rama 4 Road sa Bangkok, Thailand