PINATULOG sa 7th round ni Filipino teenager Marco John Rementizo si world rated at kasalukuyang WBC Asian Boxing Council light flyweight champion Siridech Deebok kamakalawa ng gabi sa Workpoint Studio, Bang Phun, Thailand.

Nakipagsabayan ang 19-anyos at tubong Cagayan de Oro City, Misamis Oriental na si Rementizo kay Deebok hanggang tamaan niya ito ng matinding kaliwa at bumagsak sa 7th round kaya walang nagawa si Thai referee Wanchai Pongsri kundi itigil ang sagupaan at ibigay ang pagwawagi sa Pinoy boxer.

Huling lumaban si Rementizo noong nakaraang Oktubre 26 sa Rangsit International Stadium, Rangsit sa Thailand kung saan natalo siya sa kontrobersiyal na 10-round unanimous decision sa walang talong si world rated Tanawat Nakoon kaya napanatili nito ang WBC Asian Boxing Council minimumumweight belt.

Napaganda ni Rementizo ang kanyang kartada sa 9 na panalo, 3 talo na may 6 na pagwawagi sa knockouts, samantalang bumagsak ang rekord ng 26-anyos na si Deebook sa 17-6-1 na may 13 panalo sa knockouts.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

-Gilbert Espeña